MGA ANNOUNCEMENT

Labanan ang Hindi Original na Content para Protektahan at Mapaasenso ang mga Creator

Hulyo 14, 2025

Naniniwala kami na dapat ipagdiwang ang mga creator para sa kanilang natatanging boses at pananaw, hindi sila dapat mapangibabawan ng mga nangongopya at gaya-gaya.

Kamakailan, nag-launch kami ng long-term initiative para gawing mas relevant ang Feed at matulungan ang mga authentic creator na umasenso, unang-una sa pagsupil ng spammy content. May progress na kami ng‑ sa unang kalahati ng 2025, umaksyon kami sa humigit-kumulang 500,000 account na sangkot sa spammy behavior o pekeng engagement, naglapat ng mga hakbang mula sa pag-demote sa kanilang mga comment at pagbabawas ng distribution ng kanilang content hanggang sa pagpigil sa mga account na ito na kumita. Tinanggal din namin ang humigit-kumulang 10 milyong profile na nagpapanggap bilang malalaking content producer.



Pero marami pang magagawa. Masyadong madalas lumabas ang parehong meme o video ‑ minsan mula sa mga account na nagpapanggap na creator at minsan, mula sa iba't ibang spammy account. Pumapangit ang experience dahil ito at nagiging mahirap na umaseso ang iba.


Para mapaganda ang Feed mo, magbibigay kami ng mas mahihigpit na hakbang para mabawasan ang hindi original na content sa Facebook nang sa gayon, maprotektahan at mapaasenso ang mga creator na mag-share ng original content.


Ano ang hindi original na content


Ang hindi original na content ay gumagamit o nangunguha ng content ng ibang creator nang paulit-ulit at walang paalam, isang pagbabalewala sa hirap ng creator na iyon.


Gusto namin kapag nagre-reshare ang mga creator ng content, nagdadagdag ng commentary sa reaction video, o sumasali sa trend para magbigay ng opinyon nila. Ang kinakalaban namin ay ang paulit-ulit na pag-repost ng content mula sa ibang creator nang walang paalam o makabuluhang enhancement.


Pagsupil sa mga account na nagse-share ng hindi original na content


Nagpapakilala na kami ng mga mas mahigpit na hakbang para kalabanin ang gawaing ito sa Facebook. Ang mga account na paulit-ulit na gumagamit ng mga video, litrato, o text post ng ibang tao ay hindi lang mawawalan ng access sa mga monetization program ng Facebook sa tiyak na panahon, ngunit makakatanggap din ng pinababang distribution sa lahat ng kanilang sine-share.


Bukod pa rito, kung makakakita ang systems namin ng mga duplicate video sa Facebook, babawasan namin ang distribution ng mga kopya para makuha ng mga original creator ang visibility na nararapat sa kanila. Tumutuklas din kami ng mga paraan para makapagbigay ng wastong attribution sa mga creator. Halimbawa, tine-test namin ang pagdadagdag ng mga link sa duplicate videos na dinidirekta ang viewers sa original na bersyon ng content.




Best practices para ma-maximize ang potential ng content mo


Para masigurong magtatagumpay ang content mo sa Facebook, sundan ang best practices na ito:


Mag-post ng original content. Ang mga page at profile ay nakakatanggap ng pinakamalaking distribution kapag pangunahing binubuo ang mga ito ng original content na kinunan o ginawa mo. Pwede mong i-share ang parehong content sa alinman sa mga Page o profile mo.

Gumawa ng mga makabuluhang enhancement. Puwede kang gumamit ng content na naaprubahan kang gamitin mula sa iba pang source basta’t nagiging sarili mo na ito sa pamamagitan ng creative editing, voiceover, o commentary. Ang mga enhancement na ito ay dapat makabuluhan—ang pagsasama-sama lang ng mga clip o pagdadagdag ng watermark mo ay hindi tinatanggap bilang makabuluhang enhancement.

Magkuwento:. Mas maganda ang performance ng authentic storytelling na makaka-relate ang viewers. Kahit pwede kang mag-share ng videos sa Facebook na gaano man kahaba, iwasan ang sobrang ikling videos na walang naibibigay sa viewers.

Iwasan ang watermarks. Iwasang gumamit ng mga nakikitang third party watermark at content na kitang-kitang ni-recycle mula sa iba pang app o source.

Maglagay ng high-quality captions. Panatilihing relevant sa content ang mga caption at hashtag mo. Natuklasan namin na ang mga caption na walang link, kaunti lang ang malalaking titik, at hindi hihigit sa limang hashtag ang may pinakamagandang performance.

Unti-unti naming ilalabas ang mga pagbabagong ito sa mga darating na buwan para makatulong na masiguro ang walang patid na transition para sa creators.


Unawain ang mga issue na nakakaapekto sa distribution mo


Kung nagkakaproblema ka sa pag-unawa kung bakit hindi na-distribute ang content mo sa Facebook, tingnan ang aming kaka-launch na post-level insights sa Professional Dashboard na makakatulong sa iyong mas maunawaan kung bakit maaaring hindi nadi-distribute ang content mo.



Makikita mo na rin kung may risk ka ng content recommendation o monetization penalties sa home screen ng Support, na maa-access mula sa main menu ng iyong Page o professional profile. Palaging i-check ang status mo para masigurong kumikita at umuusad ka.




Ang tuloy-tuloy naming commitment para umasenso ang authentic creators


Nilalayon ng Facebook na maging lugar kung saan umuunlad ang original content at nababayaran ang creators pa sa pagsisikap at husay nila. Mag-abang ng iba pang updates sa mga hakbang namin para tulungan ang mga creator gaya mo.

Ipagpatuloy ang pagbabasa

/
206

Samahan kami

Makatanggap ng mga eksklusibong insider tip, payo ng eksperto, at ang pinakabagong balita sa creator sa pamamamgitan ng pag-sign up.