MGA ANNOUNCEMENT

Content protection: Ang iyong bagong creative guardian sa Facebook

Nobyembre 17, 2025

Inilalabas ng Facebook ang content protection, isang bagong mobile tool para sa mga creator na awtomatikong pinoprotektahan ang mga orihinal na reel mo, inaalertuhan ka kapag na-detect ang mga match sa mga reel na iyon sa Facebook o Instagram, at tinutulungan kang umaksyon kung gamit ang gawa mo nang walang pahintulot.

Boses mo ang iyong orihinal na boses, at dapat may mga tool ka para protektahan ito. Kaya ginawa namin ang content protection - isang simple pero makapangyarihang bagong tool sa Professional dashboard mo sa Facebook app na tumutulong sa iyong pangalagaan ang mga reel mo at magkaroon ng kontrol sa creative na gawa mo. Bahagi ito ng aming nagpapatuloy na pagtuon ngayong taon para tulungan ang mga totoong creator na mag-break through sa Facebook.


Mag-enroll sa content protection para sa kapayapaan ng isip kapag nag-post ka sa Facebook


Kapag nag-enroll ka sa content protection, awtomatikong pinoprotektahan ang bawat orihinal na reel na ipo-post mo sa Facebook. Pwede mo ring protektahan ang mga dating reel na na-post mo bagong mag-enroll sa pamamagitan ng manual na pagpili ng mga gusto mong maprotektahan anumang oras.


Sa backgroud, patuloy na sina-scan ng content protection ang Facebook at Instagram para sa mga match sa iyong mga protektadong Facebook reel, mga ganap o bahagyang match man ang mga ito sa orihinal na gawa mo. Ginagamit ng content protection ang parehong teknolohiya sa pag-match ng Rights Manager ng Meta para maka-detect ng mga potensyal na match sa mga reel mo, pero mobile-first ito at idinisenyo nang partikular para sa mga creator.


Kapag naka-detect kami ng match, ino-notify ka at masusuri mo ang mga detalye tungkol sa matching na content, tulad ng mga view, ang dami ng mga follower ng account, at higit pa. Pagkatapos, pwede kang magpasya kung aaksyon ka, nang hindi kailangang umalis sa Facebook.




Suriin ang dashboard mo para i-track, i-block, o i-release ang mga match


Kapag nag-review ka ng mga match sa Professional dashboard, may tatlong aksyon ka na pwedeng gawin:

I-track: Panatilihing nakikita ng ibang user ang nag-match na reel, habang nananatiling informed tungkol sa performance nito; ito ang iyong default na setting. Pwede kang bumalik at gumawa ng ibang aksyon anumang oras. Pwede ka ring magdagdag ng mga attribution link sa mga piling eligible na tina-track na match sa Facebook, na naglalagay ng label na "original by" sa reel na nagli-link pabalik sa iyong Page o Profile.

I-block: Gawing hindi nakikita ang nagma-match na reel sa Facebook o Instagram. Habang mababawasa nito ang distribution ng reel sa aming mga platform, hindi ito direktang magreresulta ng anumang pandisiplinang aksyon sa account na iyon.

I-release: I-release ang iyong claim, at payagan ang reel na manatiling nakikita sa aming mga platform. Ganap na aalisin nito ang nagma-match na post mula sa iyong match dashboard, na nangangahulugang hindi mo na makikita ang performance nito.



Piliin kung sinong makakagamit ng mga reel mo


Kung nagbigay ka ng pahintulot sa ilang account para gamitin ang iyong content, pwede mo silang idagdag sa isang "listahan ng pinapayagan", para hindi ma-flag sa iyo ang kanilang mga match. Magdagdag ng mga account sa iyong "listahan ng pinapayagan" anumang oras sa pamamagitan ng pagpunta sa tab na "overview" sa content protection → “mga tool” → “listahan ng pinapayagan”.



May mga proseso rin kami para tiyaking mapoprotektahan ng mga may-ari ng content ang kanilang orihinal na content kung sakaling subukan ito protektahan ng ibang account. Kasama dito ang kakayahang mag-dispute sa mga pagkakataon kung kailan sinusubukan ng ibang account ang isang orihinal na gawa mo at mag-submit ng request para sa copyright takedown sa pamamagitan ng aming IP reporting channel.


Handa ka na bang magsimula? Tingnan kung may access ka na o mag-apply na.


Sa ngayon, available ang awtomatikong access sa content protection sa mga creator sa aming programang Pag-monetize ng Content sa Facebook na natutugunan ang mga pinalakas na pamantayan para sa integrity at originality Inilalabas na rin ang access sa content protection sa Facebook mobile app sa mga creator na gumagamit ng Rights Manager.


Kung eligible ka, makakakita ka ng mga notification sa Feed, Professional dashboard, at profile. Pwede mo ring makitaang content protection tool sa pamamagitan ng pagpunta sa Professional dashboard → Content → Content protection.


Tingin mo bang kailangan mo ng access pero wala ka pang naririnig mula sa amin? Pwede kang mag-apply dito.





Mga best practice para sa pagprotekta ng iyong content gamit ang content protection


Mag-post sa Facebook para siguraduhing protektadao ka: Gumagana ang content protection para sa mga reel na direkta mong pino-post sa Facebook, kahit na nagde-detect ito ng mga match sa Facebook at Instagram. Kasama din ang pag-crosspost mula sa Instagram gamit ang "I-share sa Facebook".

I-share ang iyong mga reel sa Facebook nang maaga. Nakakatulong itong masigurado na protektado mula sa simula ang iyong gawa.

Gamitin ito sa responsableng paraan: Ang maling paggamit sa content protection sa pamamagitan ng paulit-ulit na pag-claim at pag-aksyon sa mga reel na hindi mo pagmamay-ari ay maaaring magresulta sa mga paghihigpit o pagkawala ng access. Tandaan, kung tukuyin ng aming mga system na ang mga na-upload na reel ay hindi eligible para sa proteksyon, aalisin ang proteksyon pagkatapos ng pag-post. Mga karaniwang halimbawa ng mga hindi eligible ang mga video ng reaksyon o compliation. Inirerekomenda naming alisin ang proteksyon para sa mga reel na hindi nakakatugon sa mga pamantayan na ito sa pamamagitan ng pag-adjust ng mga setting sa proteksyon ng reel sa Professional dashboard.

Magsimulang protektahan ang content mo ngayon.

Ipagpatuloy ang pagbabasa

/
206

Samahan kami

Makatanggap ng mga eksklusibong insider tip, payo ng eksperto, at ang pinakabagong balita sa creator sa pamamamgitan ng pag-sign up.